Friday, July 8, 2016

turkey visa!!! PAANO?

dahil sharing is caring, Im gonna share with all of you kung paano kumuha ng turkey visa. the Embassy of the Republic of Turkey is located at 2268 Paraiso st. DasmariƱas Village Makati. para makarating ka sa embassy pinaka-malapit na landmark is magallanes station ng mrt, there madali mo na makikita yung dasma village (the home of the richest people in Manila) sa may side ng alpha land ka bumaba. you have to write your name sa log book ng village and wait for the shuttle na magdadala sayo sa embassy. yes may sarili silang shuttle kaya if your planning to bring your own car hinde ka din magtatagumpay kasi hinde ka papasukin sa loob ng village. the roundtrip shuttle cost 150php at every 30mins xa umiikot to drop and pick-up passengers na galing sa mga embassy inside dasma village. 

you may only apply every monday, tuesday, thursday and friday wala every wednesday kaya wag na matigas ang ulo at sumubok, be there atleast before 11am because application and releasing is every morning lang. wag kayong gumaya sakin na nag-inarte nung releasing date ng visa ko (not really nag-inarte its just that na super traffic lang talaga ako kahit ang aga ko na umalis ng fairview) naabutan ako ng lunch time dumating ako mga 11:35am, so akala ko pwede pa naman kumuha pagka resume ng shuttle from lunch break. nalaman ko lang na morning lang pala pwede nung bumalik na yung driver ng shuttle around 1:30pm, kaloka naghintay ako sa wala hinde man lang alam nung mga guard ng dasma village ang schedule kaya umuwe ako ng luhaan that day exited pa naman na ako to know the result para if denied I will make plan B na for my birthday travel. 

pero dumating ang araw at tagumpay nga ang pag-apply ko ng visa. sh*t! totoo na talaga may visa na ako to tour around turkey, pero if you have a valid US, AU at schengen visa you may apply the e-visa ( https://www.evisa.gov.tr/en ) nalang mas madali ang buhay at mas mura 20usd lang. pero sa mga walang hawak na valid visa sa mga bansang nabangit ko, tulad ko eh you have to stop, look and listen ay read pala haha!

so ang unang step na ginawa ko is to get all the basics requirements and those are the following;

1. passport of travel document (syempre dapat your passport is atleast 6mos valid sa date ng travel mo.)

2. completed visa application form ( this one you have to automatically prepared at www.visa.gov.tr ) kailangan may mga scan copies or jpeg file na kayo ng ibang docs kasi you have to upload it online.
 
3. passport copy ( lahat ng pages ng passport mo na may tatak at visa. ) ipa-photocopy mo na kasi walang photocopy machine sa loob ng embassy. 

4. 2pcs 2x2 biometric photo

5. hotel reservation (kailangan meron kana nito, hinde pwede na echos lang.)

6. bank account certificate or ITR

7. health insurance (I got mine with the help of my friend Paula Peralejo who run a travel agency Our Restless Feet, because I dont have any idea with travel insurance.)

8. Reserved plane ticket

9. Certificate of Employment (if you are employed) or DTI/SEC registration (if you are self-employed or managing your own bussiness.) in my case ang pinasa ko is DTI registration ng online shop ko. 

so gaya nga ng nasabi ko kailangan magpa-schedule ka ng appointment online ( https://www.konsolosluk.gov.tr/Visa/Index ) at kailangan mo din mag sign-up there and upload the copies ng mga required docs. kasi if you dont have an appointment schedule eh hinde ka nila i-entertain kaya sumunod nalang. when you sign-up online you have to answer all the questions basically parang getting to know each other type of question lang naman and syempre regarding your travel  docs and purpose sa bansa nila. at dapat accurate sa mga documents mo ang mga isasagot mo sa mga kailangan na details. after mo ma fill-out all the details and upload the docs you have to download the visa form and choose a date ng appointment mo sa embassy para naman maipasa ang original copies of requirements. so again dapat tugma sa pinasa mo online yung ipapasa mo sa embassy para hinde mo na kailangan magpa-balik-balik pa at hinde matagalan ang process ng visa mo. hinde nga pala libre ang visa it cost 2838php. mostly basta complete documents ka mas mataas ang chance to win a visa. bongga diba?

this is the embassy looks like, its a house lang na ginawa nilang embassy.


this is the visa form, at ito rin ang mag-serve na appointment form mo. so kung wala ka nito useless din. 


so after mo maipasa ang mga documents, they will give you a claiming stub kung kelan for release ang visa mo. I applied  june 21 then for relase sya ng july 1 so most likely 10days bago mo makuha, pero atleast 3mos before your travel date pwede kana kumuha like mine september pa naman schedule ko. as we all know waiting game is the crucial part haha! btw kasi yung nakasabay ko nung kinuha ko passport ko which is july4 ang release ng sakanya is july18 eh ang schedule nya paalis going to turkey is july16 kaya no choice sya kung hinde magpa-rebook. :(


the receipt, I got this one na nung kinuha ko na passport ko. 

 
and ofcourse ang pinaka-importante sa lahat ang visa. :)


if may mga questions kayo don't hesitate to ask me. I will be sharing also how to apply for korea and japan visa. :)

thank you,
@iamsupermichal





4 comments:

  1. Hello sir.... this is angel from Pangasinan. I have a question po, pano po yung walang trabaho o walang negosyo? Dati po akong ofw pero tapos n contract mag 3 years ago na. Pero may konting ipon pa naman ako sa bank. Ppayagan po b un? At pano po yung health insurance pwed po b yung philhealth lang po? At saka pano po kung may invitation letter from my boyfriend ano need n requirements? Salamat po....

    ReplyDelete
    Replies
    1. So kailangan p0 pala sir my ready tickets nrin kung mag aapply ng tourist visa????pwede din po Kaya ako kc domestic helper lng don't ako sa taiwan..bibigyan din po kaya ako ng visa?

      Delete
  2. Paano magapply ng appointment

    ReplyDelete
  3. Nice..
    I love you way . Channel. Photo.
    , and your family general .

    I will like to join guys over there .I waiting for your reply.
    Thanks

    ReplyDelete