Monday, June 15, 2015

#theroadtomovingon

paano nga ba mag move-on? hindi ng dahil sa pag-ibig ah, kundi sa mga hamon o napag-daanan sa  buhay. alam naman ng halos lahat ang napag-daanan naming aksidente ng mga friends ko last year if hindi kayo na-inform paki check nalang sa blog na ito ang mga previous post. 

so Dino organized a thanksgiving outreach that will benefit yung mga bata sa community na tumulong samin when we had an accident, thats in bontoc. sila yung nag-rescue samin agad para madala sa hospital para mabigyan ng first aid. they gave us foods, clothing at kung ano pa na pwede nila ma-offer na hinde nag-expect ng anything in return. pero failed parin ako mahanap yung nag-alaga sakin that time para mapasalamatan sana ng personal. 


nung nalamam ko yung gagawing outreach super na excite ako because its time for us naman to help in our little way. ano ba naman yung magbigay ng school supplies na malaking tulong para sa mga bata in that community. I immediately coordinate with my closest friends if they could help na makapag-bigay ng supplies at hinde naman ako nabigo because halos lahat ng nilapitan kong friends eh nagbigay ng walang mga hesitations. but during that time, Im so torn pa if sasama ba ako to distribute or Ok na yung nakapag-donate kami, my heart says 'YES' sumama na daw ako pero my body and mind says 'NO' naman that time. sabi ko nalang if payagan ako ni Mama to go, its a sign na GO sama na sa bundok, eh nung nagpa-alam ako pumayag. so yehey! Im going, pero habang papalapit yung date ng alis namin parang gusto ko ng mag back-out! gusto ko pa nga i-dahilan ang pag-ulan sa pag-baback-out ko eh pati the voice kids idadahilan ko na sana.

pero ang totoo takot lang talaga ako, takot na praning! what if maaksidente na naman kami, what if may ganitong mangyaare. I know team positive ako pero hinde ko maalis mag-isip that time ng napakaraming what if's. then I realized that in our life we only have to options to move-on! either Matakot ako or maging Matapang ako. (ay wow! may wisdom sya oh!) kung paiiralin ko yung takot na bumalik sa lugar na kung saan madaming buhay ang nagbago eh baka forever na akong hinde maka-move-on. kaya naman pinagdasal ko talaga kay Lord na bigyan nya ako ng tapang na kayaning ma-overcome yung takot ko. 

dumating na ang takdang panahon, we left Manila thursday around 11pm alam ng mga friends ko na best in sleep ako sa byahe but for some reason hnde ako makatulog ng matagal sa byahe, konting speed at bump ng van lang super awake na agad ako. okay! fast forward we reached mt polis and the next stop would be brgy talubin pero we are going to stop sa may crashed site muna bago dumiretso ng talubin. GRABE!!! ang bagal  na ng andar namin but then yung feeling ko para akong nakasakay sa isang hard core ride sa isang amusement park na anytime parang titigil sa pag beat yung puso ko at hihinto sa paghinga yung lungs ko. thats the longest ride of my life ever! for the first time I saw how high yung binagsakan namin, kung gaano ka-deep yung binagsakan namin, I even saw some of the debris from the bus, some trash na for sure dala-dala ng mga victims na papa-uwe sana sa mga mahal nila sa buhay that time. and that moment I feel so relieved, para bang lahat ng what-if's ko at takot are instantly gone at sinabi ko sa sarili ko 'oh yes! ang Tapang ko and I can now proudly say to myself that I have moved-on!'

though sayang, wala sanang mga mahal sa buhay ang nagpa-alam. from the crashed site its like 500 meters nalang nandun na kami sa destination sana namin last year. and going down ang daming chance na mapa-stop yung bus kung ibinangga nya lang sana somewhere. but its too late na magsisihan pa move-on na nga dapat diba? gaya nga ng lagi kong sinasabi "everything happens  for a reason" may plan si Lord kung bakit kinakailangang mangyari yun. but then sana lang mabigyan ng tamang justice ang lahat ng mga survivor on that accident.

will blog seperately all the ganap during the outreach medyo pang primetime sa dami eh! 

much love,
@iamsupermichal




No comments:

Post a Comment