ito na talaga, lahat naman tayo may insecurites diba? the reason why I love designer bags is para yung attention ng mga tao is nasa bag ko or nasa outfit ko. I dont like them to draw attention in my physical apperance, I know hinde naman ako ka-chakahan pero I feel insecure parin with myself. I remember before gosh yung bag ko tig-75 pesos lang sa may palengke, or di kaya naman paper bag lang na DIY. yes totoo ito noh walang halong echos. nung na-uso nga ang heartstring body bag nung highschool due to F4 fever eh parang ako nga yata ang huling nakaron sa mga schoolmates ko at sale ko pa nabili yun sa SM fairview dati. pero tuwang-tuwa na ako nun kasi hello, Im in, kaya naman nung medyo may budget na ako nung College dahil malaki na allowance natin eh afford na nating lumevel up at since love ko si Claudine before syempre buy ako ng Secosana color red pa nga yata yung binili ko nun. and then I met a friend meron syang super nice red big leather bags from Manels super remember ko pa diba. super bet ko talaga yun pero nung check ko ang price nakakaloka ang mahal 3499 ang presyo, kaya nakuntento nalang ako sa pang-hihiram sa friend ko, so hanap ako alterative habang naglalakad may sparks akong nakita sa Bayo pero 1499 naman so keri na kaso more ipon pa dapat. so ito na may 1500 na ako, pero sold na yung bag nabili na, what? nakakaloka!!! nagpahanap ako sa mga nearest branch ng Bayo pero waley na talaga. that moment para akong namatayan nakakaloka diba?
kaya sabi ko talaga sa sarili ko time will come na yung mga bags na nakikita ko sa mga magazine at pabotiro kong artista ay mabibili ko without blinking an eyelid even naka false eyelashes pa ako. lahat naman tayo may mga kanya-kanyang trip sa buhay some of my friends collect jewelry or watches as an Investment, some of them collect arts like painting etc, lakas nila maka-mayaman diba? haha pero ako I found art in handbags the craftmanship the details and functionality of every bag is divine. I know hinde lahat is agree pero bag is also a sort of investment you should know how to take care of them lang talaga. kung may quiz nga tungkol sa bag for sure almost perfect ang score ko, specially as a BUM isa sa mga kinukuhaan ko ng income is by buying and selling designer bags kahit masakit sa kalooban ko, at sabi nga nila dba you have to love what you do.
I still have a long list of may bag wish, like a dependable LV Neverfull na GM, balenciaga velo, givenchy pandora, ysl, Chanel at madami pang iba pero I will try my best to stop or maybe not to stop.
love,
@iamsupermichal
No comments:
Post a Comment