So ito na nga ang chka sa blog entry na ito, I will give you my 5 favorite place in TOKYO, dapat top 5 ito parang miss universe kaso hinde ko matimbang sa puso ko kung sino ang top 5, 4, 3, 2 at 1 kaya may I base nalang ako kung ano yung unang lugar na pupuntahan ko from our house. na gets nyo ba yun? parang ang gulo. sige explain ko pa from the nearest train station kasi samin which is JR Line may deretso ng papuntang tokyo par wit na change ng train dahil nakakalito yun minsan. and from tokyo station ang pinakamalapit na nirarampahan ko na is GINZA, then SHIBUYA, follow by HARAJUKU and OMOTESANDO at SHINJUKU.
so GINZA ganap muna tayo, from Tokyo station you can transfer to Ginza line para makapunta sa ginza syempre. pero ako walkathon lang ang ganap ko dahil malapit lang naman sya sa tokyo station, basta marunong ka mag-navigate ng map hinde ka mawawala. kaya naman laking pasasalamat ko sa Google maps you are trully a life saver. if Shopping is your sports oh well darling you're in the right place. lahat na yata ng flagship store is nandito sa Ginza name it they have it. from A-Z na mga brand andito at bongga din ang mga department store sa lugar na ito. to name a few store are A&Fitch (daming abs na nagkalat dito), UNIQLO na 12flrs ang ganap nakakahilo sa laki, my forever favorite H&M, GU sister company ng uniqlo at ayaw din paawat sa laki ng store, LV, PRADA, CHANELl if I am so certain 2 stores meron ang chanel sa ginza, GUCCI, MIU_MIU, HARRY WINSTON na parang palasyo ang ganap, BVLGARI, TIFFANY&CO., at napakadami pang ibang high-end brand. the 2 biggest dept store is also here which is the MATSUYA & MITSOKUSHI.
may nasagap ako na chika mula sa mga store at dept store na by january all branded items will increase its price, kaloka diba? best place to go shopping talaga ang japan, kasi ang daming ganap at merong mga exclusive design na sa japan lang talaga meron at wala sa ibang country. hinde ito basta chika-chika lang ah fact talaga ito, like for the Givenchy bags may isang design na sa Japan lang nilabas nakalimutan ko yugn model name eh, chinika na sakin yun nung haponesang sales lady eh its a hobo x tote bag, basta ganun bawal kasi mag-picture ayoko naman i-try at baka mahuli ako at dalin ako sa gudance office nakakaloka yun noh. for make-up brands din may mga palette or shades na exclusive lang for japan also, maybe because iba talaga ang skin tone nila at hinde rin ito basta-bastang chika lang mga taga-TOM FORD cosmetics (too bad wala silang available na lipshook na black orchid), YSL (the concealer pen is realy a gift from heaven) and CHANEL (I am now a member of chanel cosmetics at super thank you sa madamign samples na binigay nyo nung namili ako for christmas gift).
up-next kung tapos kana mag window shopping at busog na ang mata mo sa mga window display lets now go to SHIBUYA, dito nyo makikita ang statue ni Hachiko at pwde ka pang makipag-picturan kasama nya. sa tapat ni Hachiko naka-display naman dun yung old train nung mga panahon nya na pwedeng gawing tambayan if napagod ka na sa kakarampa. this place is the best place if you want to go people watching lang, there is a starbucks accross the Shibuya station its in a 2nd floor at full mirror glass ang ganap kaya best place yun to do people watching at para makapag-senti kanarin kaso laging jampack ang starbucks dun, never pa ako naka-timing ng seat tuwing pupunta ako.
madami din pwedeng ganap sa lugar na ito, yun nga lang expect mo na madami ding tao. I remember sa sobrang happy ko mga tatlong beses ako tumawid sa famous shibuya crossing. nakaka-aliw kasi ang dami talagang tao na tumatawid from all over the word. I even posted a video sa instagram account ko. one of the biggest LOFT store can be found in this place pero syempre ang dami ding tao or its just the christmas season lang kaya best in relief goods ang peg sa haba ng pila. super nice din ang h&m store in shibuya organize ang items unlike in other area, but I noticed lang na iba iba ang mga clothes sa bawat h&m store kaya better to go window shopping muna then if you are decided to purchase na balikan mo nalang. shibuya is just a kembot away lang din to HARAJUKU & OMOTESANDO.
lets now move to HARAJUKU, if fashion costplay and arts ang peg mo this is your heaven. daming ganap na cute store concept sa lugar na it. most of the limited edition items can be found here kaso pricey na syempre. at dito ako nakakita ng ukay-ukay na mahal pa sa brand new. most of the people na makikita mo sa lugar na ito is very colorful at happy lang ang peg nila. if you want to catch those japanese na naka-costplay costume sunday ka rumampa nagkalat sila everywhere in harajuku and they are so cute.
most of the people na rumarampa in this place is mga bagets at naka-school uniform pa sila. in this place ka din makaka-avail ng best crepe in Japan, kaya push nyo ay personal favorite is the angels crepe which is recommended by one of my friend who is now based in Japan, keri din yung crepe store sa tapat ng angels crepe. basta tip lang pag nakita nyo na mahaba ang pila, makipila kanadin dahil for sure panalo ang foodang na yun. I remember one of the store ng cheesecake sa shibuya, super bet namin pumila ng friend ko pero dahil malamig tinamad kami, then napanuod ko nalang sa tv yung store na best cheesecake in Japan, sayang diba. oh well not sayang pwde naman balikan anytime ang store na yun. bongga din mga store in harajuku like the ABC mart na super sale ang mga shoes from new balance to nike to DM's, american eagle is also here biggest forever21 store is located in harajuku also na mahihilo ka sa dami nilang ganap. madami ding mga paandar sa lugar na ito llike the free hug and kiss, avail nyo pag cute. charot. now lets do cartwheel papuntang OMOTESANDO.
for me OMOTESANDO is the most posh place in Japan, madami ding mga lux store in here like mga 75% kugn ano meron sa Ginza, pero here kasi hinde crowded at ang sosyal ng mga makikita mo.the biggest Ralph lauren is here na akala ko museum or cityhall sa bongga ng facade ng store nila, Celine store is also here, bongga din ang Omotesando Hills its a one stop place for shopping and expensive dining kung bet mo magpaka-celebrity at tumodo sa pag its a climb. you will see store like Jimmy Choo, d&g, ysl and many more. bongga din pala ang TOPSHOP store dito ang daming limited edition na for japan lang.
if money wasnt an issue for you itodo mo na instead having coffee in starbucks why not in bvlgari or gucci cafe?, next time push ko jan pag-afford ko na in the mean time vendo machine nalang muna ako, charot. for my last entry, (drumrolls) SHINJUKU..
ohhhh SHINJUKU, why? pag nagpunta ka sa lugar na ito dapat marami kang baong bala, dahil lahat gugustuhin mong bilhin. if you are a type of person like me na mas gugustuhing mag sight seeing sa mga mall or window display kesa sa mga shrine or museum oh well sugod na sa shinjuku. lahat ng department store sa japan dito mo ma-aavail. may favorite is the Isetan mall. not the Isetann in the recto ah. sabi ko nga if masusunog ang Isetann mall sisiguraduhin ako na nasa loob ako para maharbat ko lahat ng bags sa dept store. char! this mall is purely dept store lang, pero walang mga secosana or heartstring dito ah, wala ding parisian or mario d boro, wala ding fashion21 or nichido ah kaloka kayo. ang meron dito ay Leowe, Prada, Gucci, Celine , Givenchy na nagkalat lang. Christian Loubutin, Manolos, at kung anu ano pang brands of shoes. dont worry pwede mag-fit kaya push nyo. iba ang feeling pag mahal ang suot mong shoes feeling ko lumilipad ako. kung sa pinas sa rustans ka lang makakakita ng designer cosmetics at hinde pa lahat. dito sa Isetann cosmetics all you can, from RMK, Tom Ford, Chanel at madami pang iba. yun nga lang hinde lahat ng shades cater nila but may mga exclusive shades na sa japan lang meron.
in shinjuku naka-avail din ako ng free laduree macaroon nung nag-check ako in one of the LV store, kaloka diba akala siguro nila bibili ako. char with free wine pa lakas maka-VIP. and syempre if you are looking for a budget friendly designer bags. this is really the place to be. from the small store sa mga gilid ng eskinita, to daikokuya, to brand off and my favorite komehyo. nakakaloka at maloloka ka talaga. for as low as 10000yen you can get a designer bag na. syempre used na used na yun if you want na hinde pa laspag ang bagelya dapat spend more ka. most of the limited edition designer bags dito kadin makaka-avail. no need to wait for years to have an hermes bag. dito ituro mo lang kuha mo na, pero dapat ready ang wallet mo. pwde ka rin makipag-trade in ng bag kung may nagustuhan kang bags sa store. I remember sa brand off binibili nila yung LV keep all ko na mas higher amount sa original price na nabili ko because one their client daw is looking for it. tempting diba? kaso wit ko bet. hahaha.
Shinjuku is also the place if party people ka. thanks to my friend AM at sinama nya akong rumampa in gay town, kaloka yung mga waiter naka-underwear lang at and daming nagaganap yung iba rated 18 kaya hinde ko na ieexplain. charot!
will try to edit this again to insert pictures, hinde ko ko pa naayus ang files ko eh.
all the best,
@iamsupermichal
No comments:
Post a Comment