yes I am working already in a farm, hinde madali pero kailangan kayanin since the pay is really good compared to the job I used to have. dito nakaya at kinakaya ko ang maghapon na nakatayo, mag-seal, mag-repack, mag-weight ay kung ano-ano pa.
hinde pala talagang madali kumita ng pera, mahirap at nakakapagod. bawal ako mag-complaint since ito yung way para mas maabot ko pa ang mga pangarap ko at mabili ang mga gusto kong bilhin, puntahan ang mga lugar na gusto kong bisitahin. hinde totoong porke't nasa abroad ka eh mayaman ka.
I love how Japanese people are very workaholic, dito bawal ang tamad kahit 70y/o yata eh work padin ang peg, like mai san yung ka work namin sa farm his age is around 60-70 pero keri padin nya magbuhat ng mabibigat may slightly kabagalan nga lang but then ang lolo nyo naka-rolex na hold with stones pa, san kapa diba? bawal din ang petiks dito, kung wala ka ng gagawen pwes maghanap ka ng gagawen at wag kang basta tumunganga jan, dito productivity is the best policy.
sa bahay ang gulo ng balur ni mudak, oh well I understand naman since cya lang din naman ang gumagawa at minsan di na ma-keri maglinis sa pagod sa work eh hinde naman uso ang kasambahay dito noh, sariling sikap lang palagi. kaya naman best in tambak ang ganap sa balur, buti nga nakapag-linis ako ng kwarto dahil best in alikabok naman ang ganap dito, I am occupying na kasi yung room ng kapatid kong lalaki which is now renting his own appt somewhere near lang naman sa balur since april, kaya simula nun namahay na ang alikabok sa kwarto nya.
usually we ate outside or buy ng bento meals since wala ng time para nga makapag-luto, at hinde din ako basta-basta makaka-rampa since may kalayuan ang mga bilihan ng bagay-bagay sa balur. kaya naman kailangan my kuruma buti nalang best in drive si okaasan at imoto pag gusto kong umalis like sight seeing sa grocery, drugstore at kung saan saan pa. yung mga mall kasi na bongga malayo kaya in the mean time nakukuntento na ako sa grocery muna.
update ko pa kayo sa ibang ganap sa buhay japan japan...
isa sa mga eksena sa farm ang mag-pack ng blueberries...
cute bento sushi and sashimi...pag around 7pm nagsasale sila kaya best in avail kami pambaon sa work kinabukasan.
kahit san ka magpunta asahan mo anjan lang ang sanrio...
dinner with imoto and okaasan at the italian resto.
syempre mall, mall din ang ganap pag may time...
will post more ganap like mga japanese products...sayoonara!
No comments:
Post a Comment