so ito na post ko na ang ganap sa last day ng trip namin sa davao. ito yung super excited talaga ako kasi naman davao trip wouldn't be complete if hinde mo mata-try ang PEARL FARM, pang-mayaman lang talaga diba? so inavail ko na ang mag-feeling mayaman.
we decided to grab some foodang muna in chateau del mar...name palang parang pang-mayaman na diba?
this is the view sa restaurant ng hotel...
teka mag-sesend lang ako ng email...hahaha choz!
manang paki-handa na ang hapag-kainan nandito na ang mga bisita ko...
after namin kumain ito na yun oh...welcome to pearl farm actually hinde pa dito lang yung place nila sa city pero mag-boat ride kapa para makarating sa samal island.
on the boat going to pearl farm, best in late kami kaya hinde ko na-avail yung couch potato dun sa harap mukhang masarap pa naman matulog dun.
the famous parola of pearl farm. sa 1st floor my waiting area, the parola serves as docking port din kasi ng pearl farm from the city, tapos sa 2nd floor naman may bar, yung 3rd floor ewan ko bawal na kasi umakyat dun haha.
the moment you get in sa pearl farm bongga kasi my welcome drink, super nice ng ma staff ito nag si kuya may opening ceremony pa choz! orientation yan sa buong resort, iniinform nya kami.
bongga talaga sa pearl farm pang-mayaman lang ang peg. lagi ko nga sinasabi deadma na sa gastos when you are in a vacation trip just enjoy the place or lahat ng ganap dahil baka hinde na maulit, in short i-avail na lahat ng pwedeng i-avail sulitin nyo.
areglado family...sayang wala ang mga kids ma-eenjoy nila ang place.
in Mandaya Suit...ipinatawag ko kayong lahat upang ipaalam sa inyo na...char!
ready na ako mabasa, pero chill muna habang hinihintay ko mag-set yung sunblock ko...
sarap lang mag-swimming there's a two swimming pool sa pearl farm but we choose to stay here kasi mas less ang mga tao the other pool kasi is near the resto kaya madaming tao. ang puti ni kylie minouge ko.
ganito dapat ang emote pag-ahon mo sa pool. bet na bet ko kaya tong pic na ito ginawa ko pa nga siyang cover photo eh.
white sand pero make sure to wear your flip-flops kung bet nyo mag-emote sa may shore medyo mabato at madaming shell mahirap na baka masugatan pa kayo.
enjoying every moment...pak!
napagod ako mag-swimming kaya chill nalang muna...
closer look kay kylie minogue while waiting for the buffet lunch...
ito si ate paandar broom-broom din eh..kairita.
walk out na ako dahil nakakairita si ate na paandar broom-broom, dapat magpapatawag ako ng golf car para magpahati sa resto since malapit na ang lunch time pero deadma na, mas bet ko ang mag-walkathon.
they don't give a pocket map for the whole resort, but don't worry hinde kayo mawawala dahil may mga big map every block sa resort.
even signage's meron sila, ewan ko nalang kung mawala pa kayo ah.
bet na bet ko itong manmade falls na ito, gusto ko nito sa loob ng kwarto ko.
the table setting in pearl farm's restaurant...
babala ang mga susunod na pictures ay magpapatulo ng inyong mga laway... ito na patay gutom mode na...daming ganap sa food nila at super sarap...
ang alat ng itlog.
ito talaga ang super inavail ko...sayang nga lang wala silang ceasar dressing pero deadma na health is wealth ang peg ng salad bar nila.
oh my desserts...wala bang leche flan or brazo de mercedes?
ok kodakan muna bago kami lumafang...
pearl farm's infinity pool is our view while having lunch, san kapa diba?
after lunch, we decided to go sa malipano island pearl farm to chill, so habang tinatawag ni Manang ang speed boat na magdadala samin sa island, picture muna...
dumating din sa wakas ang sundo namin... manang sakay na aalis na tayo...
manang, ang boring sa isla. pakikuha mo nga yung jetski mamamasyal lang muna ako.
syempre my jump shot, forte ko kaya ito.
group shot!
sarap lang talaga mag-relax... I love my life... I'm in love with life...
mirror shot!
ang dilim ng lighting parang ang tan ko masyado dito.
sana pwede ang ganitong shorts sa office.
tse! ayaw patalo ng pinsan ko.
before we checked-out, we decided to get some massages while waiting for the boat.
sitting and waiting at the 2nd floor of the parola.
lakas maka-don ng tito ko nasa gitna pa talaga sya.
now boarding...off to manila...till we meet again beautiful davao...
how I miss you davao...next post pahiyas festival... thank you again to Muega Family for being so hospitable while we are in davao...
No comments:
Post a Comment