Thursday, June 19, 2014

Thankfulness is the beginning of Happiness.





It's a super big relief, as in parang nakatanggap ako ng bonggang relief goods sa heaven ng sabihin ng doctor na No need na for me to undergo spinal surgery since stable naman at healing yung bone fractures ko. see the photo above? for sure naman kita mo, its one of the many images sa MRI ko in st. lukes. if you can see yung naka circle na bones its so disturbing diba? malinaw na sobrang nag-crashed talaga yung bones ko siguro sa lakas ng impact ko nung nahulog yung bus.

but then, still Im so happy na hinde ko na kailangan ma-operahan, dahil hinde ko na din naman kakayanin pang madagdagan ang mga scars na nakuha ko sa accident. specially ininform ako ng doctor kung paano ba ang proceudure at ang pinaka-natandaan ko is sa tummy ako hihiwaan at sa bandang likod na part since they need to remove the affected bones and replaced it ng artificial bone yan yung sa may tummy, sa likod naman they need to put screws para daw i-hook yung nilagay na artificial bone, Imagine  daig ko pa ang na C-section at yung gagawin pa sakin is hindi pwedeng bikini cut. kakaloka diba? baka kahit ang Belo is sumuko para lang pakinisin uli ang mga scars ko sa katawan pag nagkataon.

but then again either maoperahan ako or not, madami ng bawal gawin like magbuhat ng mga heavy things, extreme activities. nakakalungkot man pero people you have to deal na pag kasama nyo ako is always "PLS HANDLE WITH CARE" or "FRAGILE" na ang drama ko buhay sabi nga ng isa sa mga malapit kong kaibigan isa na akong "babasaging crystal" hahaha I like that. its so sad na bawal na ako mag-ride ng roller coaster favorite ko pa naman yun its one of the greatest feeling in the world. bawal akong mag-bungee jumping nasa bucketlist ko pa naman yun at plano ko pa naman sana mag take ng dance lesson sa G-force infairness to me magaling pa naman ako kumembot. madaming mga bagay noon na madaling gawin na hinde ko na pwedeng gawin or pwede naman pero kailangan pag-isipan mabuti dahil may posibleng maging consequence ito pag pi-nush ko, medyo may katigasan pa naman ang ulo ko hahaha.

seriously pinag-pray ko naman kay Lord na huwag na nya ipush na maoperahan ako, sabi ko nga hwag na nya ako bigyan ng lovelife maging ok lang uli ako physically. tutal I know naman and I can make myself happy naman as long as bibigyan ako ni Lord ng pambili ng mga bagay na gusto kong bilhin pag-sad ako. pero Lord kung sa tingin mo na meron namang deserving for me paki-push pls alam ko naman na hinde ka madamot pero kung wala sige lang din daanin mo nalang sa ibang bagay ang mga blessings mo sakin. but really Lord super thank you! Ikaw n talaga.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete