Tuesday, August 14, 2012

I LOVE YOU SPICE GIRLS...

homaygawd...best in excitement talaga ako nung nalaman ko na spice girls yes ang mga tiyahin ko, ang mga una kong naging peg sa fashion ay magpeperform sa closing ceremony ng olympics. kaya naman pala wala ang mga tita ko sa opening ceremony na sobrang kinalungkot ko, eh yun naman pala may bonggang pasabog sa closing ceremony. sabi nga nila "saved the best pasabog for last." kaya naman 100% sure na sure ako lahat ng beckies at faney ng spice girls ay tutok na tutok sa closing ng olympics. aminin nyo yan ang iba ay talagang best in early gising talaga para lang live mapanuod ang ganap nila. failed nga ako kasi hinde ako nagising kahit nag-alarm na ako kaya best in avail lang ako ng performance nila sa youtube.

I remembered way back in elementary days na sobrang faney talaga nila ako lahat ng casette album nila (yes casette tapes pa ang uso noon) ay meron ako. lahat ng songhits na sila ang cover best in avail ako. lahat ng song nila halos memorize ko. lahat ng posters pictures nasa dingding namin. dumating pa sa point na para akong promoter nila dahil nagpapa-photocopy ako ng mga pictures at lyrics ng mga songs nila at binibigay ko yun sa mga classmates ko. best in avail din ako ng platforms sa sketchers nung mga time na yun. kabisado ko ang STOP steps nila na isinapuso at isinadiwa ko nugn mga panahon na iyon. kaya naman nung nalaman ko na maghihiwalay na ang SPICE GIRLS dun ko naranasan kung paano ma BROKEN HEARTED. OA na kung OA pero iniyakan ko sila ng bongga. sa tuwing maririnig ko ang goodbye my friend na songs nila di ko maiwasan mag-emote. pero in the lighter note bongga naman ang mga naging career nilang lahat. so kayo anong fave song nyo ng spice girls? sino ang fave spice nyo? basta ako lahat sila favorite ko pero si POSH SPICE talaga ang love na love ko. kailangan ko paba i-explain kung bakit? gets nyo na yun.



rehearsals palang naiiyak na ako.







entrance palang nila pasabog na...mini cooper ba kamo?


cute parin ni baby spice, pink parin ang peg (EMMA BUNTON)


sige na ikaw na sporty spice, maka-birit naman si ate give na give lang (MEL C.)


anyare scary spice? dikaba na-inform uso na ang rebond (MEL B.)


ayaw paawat ni ginger spice bigay todo lang? ( GERI HALIWELL)


ikaw naman talaga ang fierce posh spice, ikaw naman wala ka ng ginawa kung hinde mag-project at emote lang, ganun paman love na love kita... peg na peg kita (VICTORIA BECKHAM)



parang walang anak si mother oh, ganda lang haba ng legs parang NLEX kaloka. ikaw na talaga suko na ako.


hay grabe overwhelming talaga na makita uli silang magkakasama. untill now umaasa parin ako na mabubuo parin sila oh kaya naman kahit isang world tour concert lang but pols include Manila.

lakad palang san ka? pasabog na agad.









heres the full performance salamat kay kumareng youtube.


nag-kodakan pa ang mga tita ko sa backstage after ng bonggang performance nila. this pic is tweeted by me, I mean Victoria Beckhaam choz.


I LOVE YOU SPICE GIRLS...xoxo



Wednesday, August 8, 2012

neknek mo...

how to tie a necktie? guilty ako na hinde ako marunong talaga mag-tie nito kaya naman I prefer bowtie. pero gosh hinde ako na-inform agad na ang dami palang ganap sa pag-tie ng necktie. wala man lang sa mga ways yung alam ko na way ng pag-tie, kaloka lang. so guys here re the step by step on how to tie a necktie. pag hinde mo pa na gets eh SLOW mo.



scarf!

since stranded ako sa lakas ng ulan na dala ng hanging habagat at bored din ako, I tink its time to blog nalang  about fashion style. kaya naman ito bigyan ko kayo ng idea kung paano ba magiging fashionable ang pagsusuot ng scarf here sa pinas.





Sunday, August 5, 2012

choose the perfect pair of eyewear to suit your face.


if there is one thing na bet ne bet ko as one of the fashion staple that is SUNGLASSES. yes from small to xlarge na ganap ng mga eye wear meron ako nyan frm rayban to eye2eye na very budget friendly at the same time very fashionable din naman ang ganap. lakas lang kasi maka-celebrity look at maka-fresh pag my sunglass ka just in case na may mga kodakan na magaganap at feeling mo eh hagardo versoza kana.




Wednesday, August 1, 2012

THINspiration

hau naku never ko naman pinangarap magkaron ng perfect body, yung tipong broad shoulder, mala-pandesal na abs, muscular na ganap. pero lately nakaka-bother na ang paglaki ng tummy ko sa katakawan, thats why I decided to exercise na in a daily basis. I am giving myself a one month trial for a DIY exercise if hinde effective maybe its about time to enroll in a fitness center. sabi nga nila fitness is the new fashion.

maging flat lang ang tummy ko at magkaron ng konting tone ang mga laman ko pakak na sakin. pero hello? ang sarap kaya lumapez at yan talaga ang isa sa mga hobby ko. pero puah ko na talaga ang pag-achieve ng flat tone tummy para naman may I showcase ito sa mga gaganapan namin.

ito yung target ko, ito yung body na pakak na pakak sakin.