Thursday, August 11, 2016

30 random facts about Me. :)




1. Im just a kid with a Givenchy bag that full of dreams.

2. I can live with plain yogurt alone with chia seeds.

3. Im a very matipid person, you really have to trust me with this one.

4. I have a seperate bank account for my dream bag at hanggang dream padin sya until now. 

5. I sold all of my luxury bag except for the givenchy nightingale.

6. I cant sleep whenever I want something, so kailangan mabili ko sya.

7. Pag may isang product ako na nagustuhan forever ko na syang gusto and I hoard them.

8. I cant go without a sunblock at dapat waterbased sya. 

9. White, Neutral and Black is my color.

10.  tiramisu is my ultimate favorite dessert.

11. I have never been to Boracay. I know right. 

12. Dapat laging may Alcohol or Hand Sanitizer. 

13. I have a chanel wallet pero hinde ko ginagamit, dahil mas sanay ako sa coin purse lang where in everything is there na from cash, credit cards and Id's.

14. I love winter to mid spring season.

15. without Internet I will be so broke.

16. Im addicted to vitamilk double choco shake, Usually 1 liter a day nauubos ko.

17. I still cry kahit ilang beses ko na napanuod ang my sisters keeper.

18. I postponed my dream to study fundamentals in baking and Givenchy pandora bag just for Turkey.

19. I always took a lot of selfie but I don't usually post them.

20. takoyaki, salmon sushi, lechon and kare-kare is my comfort food.

21. I always order the same food at Pancake House which is Fish roll. 

22. I always wanted to enroll in a swimming class.

23. anything with mint flavor is fine.

24. Im an expert maleta-packer.

25. kung ikakasal ako it would ba a destination wedding at sa Bali yun. 

26. I love extreme rides kahit bawal due to my back condition.

27. friends are like family and family is forever.

28. when I dont like you, I dont like you na talaga but atleast I dont Hate you. :)

29. "I trust you" is always a better compliment than "I love you", once na sinira mo yung trust na binigay ko, goodbye na and goodluck nalang sayo.
 
30. Virgin pa ako. ang sad dba?

Wednesday, August 3, 2016

JAPAN VISA!!! Paano?

its not my first time sa Japan, but its my first time to get my own visa. usually kasi my visa was sponsored by my Family in Japan kaya I can stay ng mas matagal, winter-spring season ako lagi nagpupunta because perfect for me that weather and its also perfect for layering your ootd. hahaha! when you have a sponsored visa usually sila na mag-provide ng lahat ng documents that you needed for your visa apllication. all you have to do nalang is to secure a copy of NSO birth certificate or kung may iba pang i-request ang embassy na documents.

the visa is absolutely free, if you apply directly sa Japan Embassy, but I think most visa application nowadays is kailangan na dumaan sa mga accredited travel agency ng Japan Embassy at mas convenient yun. syempre pag ganun there is a minimal fee for the service ng travel agency, I always apply sa reli tours in SM megamall since isa sila sa accedited travel agency ng Japan Embassy and waiting for the visa usually takes 5-7days ( the most crucial time as always, dika pede magpaka-confident kahit na complete requirements kaya more pray at stay posotive mapapasayo din ang visa nayan. trust me, been there several times hahaha! )

so tama na ang pag-chika ito na ang mga kailangan nyo i-prepare na documents;

1. passport na dapat atleast 6mos valid pa sa travel date mo. kailangan pa bang i-memorize yan?

2. 2x2 picture with white background.

3. birth certificate from NSO (on my case hinde na ako pinag-pasa ng travel agency since I have several japan visa na.) 

4. application form ( with this one kailangan bawat question may sagot ka, kung wala naman talaga at di applicable just put "N/A", you have to provide your airline and accomodation sa app form pero hinde naman kailangan na naka-book na. like what I did I just check some available flights lang and get the details same sa accomodation I just get a valid address for accomodation lang airbnb or agoda pwde nyo i-check for details. )

5. daily japan itinerary. 

6. Bank Certificate or ITR (in my case I pass bank cert since Im a self-employed.)

7. bussiness registration or COE ( again sa case ko since self-employed ako DTI permit ang pinasa ko.)

8. I also provided an explanation of letter kung bakit wala akong ITR. 

so ganyan lang ka-simple kumuha ng visa, I paid 1000php sa travelpros in SM fairview, pero sa reli tours I think its 950php lang. iba-iba yata price ng mga travel agency na nag-aasis for japan visa. I hope this post will help you in the future.  :)

light and love,
@iamsupermichal





Monday, August 1, 2016

SAGADA 2016

ang lakas naman talaga ng loob ko mag-SAGADA diba? alam mo ba na isa lang ang way pa-Sagada sa binagsakan mo? "I know right."

oh well! hinde ko din alam kung bakit nga ba sagada, sa pagkakatanda ko it supposedly jumalig island or maniwaya island eh biglang nauwe sa sagada. its one of the trip na para bang napaka-tagal at walang katapusang lakbayan. its my first time to ride a bus again sa pinas na ganun katagal, hinde nga yata ako nakatulog sa buong byahe eh or paranoid lang talaga ako. its not my first time na dumaan uli sa route na kung saan eh muntik ng kumitil ng buhay ko. I remember passing that route last june 2015 with my fellow survivor friend in a van kaya malakas ang loob ko. but this time in a bus, nagtapang-tapangan lang talaga ako pero lahat na tumatakbo sa isip ko. ang daming what if's...

what if mahulog na naman yung bus na sinasakyan ko? what if maaksidente? what if ganito? what if ganyan? basta ang dami nila. sa sobrang paranoid ko nga I even left my atm sa house at sinulat ko na atm pin ko just incase nga na may mangyari, yes ang taray parang last will lang ang datingan. we left Mnla mga 9pm ng gabi, we reached the mt Polis around 7am shux ito na, ganitong time din nung nag stop over kami last feb 07,2014. I decided to stay lang sa bus at pinilit makatulog kasi alam ko na malapit na yung crash site, I was seated sa driver side bandang likod sa tabi ng bintana. so nakatulog nga ako at akalain mo na pagmulat ng mata ko pak! sakto! yung crash site, nandun pa yung mga debris ng bus, genern! kakaloka dba? pero after namin malagpasan yun para akong nakapag-footspa at revlite sa sarap ng pakiramdam. and we finally reach Sagada around 10am na yata yun. I remember nung purita days pa Sagada talaga isa sa mga dream destination ko, and my friend Cams know that dahil yun ang chika namin before na sabay namin pupuntahan pero nauna sya, may travel din yata ako nun kaya hinde ako nakasama eh. 

1st stop: after ng mahabang byahe its time to eat, and we decided na sa famous yoghurt house mag brunch!!!


I cant remember what I ordered, pero mga bes ang mahal ah 300php per meal nakakaloka! very foreigner level ang price ng mga food sa Sagada which I didnt expect, hinde pa naman sila nag-aaccept ng credit cards. and there is only 1 atm machine na nakita ko sa may tourism office at offline pa that time. hinde ko din talaga gets kung bakit ang mahal eh, samantalang sa bontoc napakamura ng food which is 1 town away lang from sagada kung hinde ako nagkakamali. 

we just spent the whole day sa guesthouse lang para mag recharge for tomorrows activity. I booked our accomodation sa Sagada guesthousevia  travelbook.ph, yung bus naman na sinakyan namin ay forgot the name pero the terminal is near st.lukes qc. 

day 2

we woke up like 5am kinabukasan to witness ang chismis na may sea of clouds daw sa mt. kiltepan, dito yung eksena ni bes Angelika Panganiban sa that thing called tadhana nung isinigaw nya lahat lahat para maka move-on sya. gahayahin ko sana para tuluyan na ako maka-move-on sa accident na nangyari sakin kaso ang daming tao eh. kaya sa isang tabi nalang ako pinagmamasdan ang kagandahan ng creation ni God. 


nakakaloka naman kasi ang ganda ko parang yung view lang. blog ko ito wala kang pake!


hinde sapat yung mga pictures mas maganda sya in real life. promise!

madami talagang tao, pero pinahawi ko muna sa mga PSG ko para ma solo ang lugar. cheret!


so after ng mt. kiltepan ganap, back sa guesthouse to have breakfast at konting rest at pa-fresh dahil trekking naman ang ganap going to Bomod-ok falls.


 
I think 30mins dun yung trekking namin just to reach the fall, buti nalang kahit lampa ako sanay ako sa trekkingan. 


para sa mga pa-Fall jan.


at sa mga madaling ma-Fall. 

we finished this activity yata mga past noon na, I didnt swim na sa may falls because I cant afford na mabasa lalo na ang shoes ko haha!!! pero the water is super crystal clear and cold. sa sobrang lamig magigising sa katotohanan. freshen up uli sa guesthouse then rest, I wanted to go sana sa bontoc to visit ate Grace kaso wala na daw byahe dahil till 1pm lang daw yung jeep papunta dun, kaya nag-siesta nalang kami sa guesthouse uli. btw si ate Grace is isa sa mga madaming tao na nag-help samin nung na rescue kami sa accident. 

day 3

our last day!!! we walk like 3km from the guesthouse just to reach Gaia restaurant to have breakfast at grabe sobrang sulit. all food in the menu are homemade, natural and organic. 

I ordered this peanut butter pesto pasta, I swear this is one of the best pesto ever! ibang iba! 


ang ganda ko daw dito! talaga ba? by the way, naghahanap din ako pala ng organic unsweetened peanut butter at sa Gaia ako nakabili for only 150php, dapat pala nag-hoard na ako. akala ko kasi makakapag-uwe ako ng lemon pie kaso dapat pala mag-advance order ka sakanila atleast 1 day before. 
waiting for our bus ride going home to Mnila.


thank you Sagada, I finally conquer my fear of riding a bus. but I think hinde na ako sa bus may takot kung hinde sa mga area na may bangin, even pauwe Im so paranoid parin eh, pero nung na-reach namin banaue I feel so safe na. kaya nakatulog na ako sa byahe. :)


and oh!! thank you for coming with me in this trip. I miss you! 

light and love,
@iamsupermichal














Tuesday, July 19, 2016

Dumaguete - Siquijor

that thing called huling hirit sa tag-init. totoo ba? ok share ko nalang ganap namin sa inyo in dumaguete and siquijor. we depart Mnla thursday at 4pm via CepPac (ofcourse my delay na naman, but thats what you get in budget airline and a congested airport kaya sanay na ako.) we arrived dumaguete at almost 6pm, medyo pricey if you hire a tryke or van para dalhin kayo sa downtown. kaya dapat malakas ang haggling powers nyo, we got a van that will take us downtown for only 200php, keri na since 5pax naman kami. 


we stayed in Grand Pension Hotel for 1600php a night for 5pax. konting refresh then walkathon attack na sa roxas blvd to inquire sa port going to siquijor the next day. meron silang schedule trip everyday at 7am, 10am and 2pm bound for siquijor. after that we decided to have dinner, I forgot the name of the place pero they serve ihaw-ihaw items na fish, pork and chicken its just accross sa parang rotonda near the port and silliman university. after dinner we chill at sansrival  bistro to have some dessert. 

chocolate banana cream cake.


iba talaga pag tiramisu, ang sarap lang. we also got concorde and ofcourse the fanous sansrival and silvanas.  


we check-out sa hotel at 5:30am to catch the 7am ferry for siquijor, the ferry cost 145php per head including terminal fee, travelling time is about 1.5 hour. super ganda ng water in siquijor you can witness that sa port palang its turqouise blue green color is so relaxing in the eye, (ay wow! ang deep.) pagbaba palang in port madami na mag-approach sa inyo na tricycle and multi-cab driver to offer a ride. pero they will charge you above the suggested tariff, kaya what we do is naglakad kami palabas ng port and there we met kuya James, they charged us 150php to bring us to our accomodation, pero sa pag sa loob ng port they will ask for 300-400php. we also hire kuya James para i-tour na nya kami sa mga tourist spot in siquijor and we got him for 1000php the whole day. 

siquijor squad. 




may tour guide na kami may photographer pa. 


1st stop: this public spring park where in pwede daw mag-swim, pero nung nagpunta kami walang taong nag-swim.


2nd stop: we also went to Coco Grove to check the place, I think ito na yung pinaka-expensive at class na hotel in siquijor.


ootd! blog ko'to, bakit ba?


3rd stop: this 400y/o balete tree, pwede magpa fish spa dito just pay 5php for the entrance, sabi ni manong bantay the water came daw sa ilalim ng balete tree. there are some small and medium fish na mag-suck ng dry skin ng feet nyo. 


let me have my morning coffee. ;)


there is a tickling sensation everytime the fish will suck my feet skin.


the balete tree is so huge.


on our way to the lazi convent, we just stopped to take a picture with this beautiful view.



4th stop: san isidro labrador church in lazi siquijor. 


inside the church, the church was built using coral reefs.


team braid hair.


native ube ice cream.


I travel so I could eat more. after bisiting church we decided to have lunch muna sa el monte resto bago kami magpunta sa cambugahay falls. :)


5th stop: the moment of truth. para marating mo ang falls you have to go down about 135 steps sabi ng mga local, pero ako hinde ko nabilang. 


ganda!!! and the water is tama lang ang temperature.


bacause sometimes lying under the trees & walking barefoot on the earth is the most spiritual thing you could ever do in life. ansave? pa-deep ka teh.


when it feels scary to jump, that is exactly when you jump, otherwise you end up staying in the same place your whole life, and that I cant do. matigas din talaga ang ulo kahit alam ng bawal, iba talaga ang pagkakabagsak ko dito na feel ko yung likod ko sa ilalim ng tubig eh. but its fun!





6th stol: the salagdoong molave resort, dito pwede mo ma avail ang cliff diving na 20ft at 30ft. this one di ko na-avail kasi low-tide at walang available na life vest. haha!


ang ganda talaga ng water in siquijor, super calming. 




after the salagdoong beach nadaanan namin yung famous pan de bisaya store, so we grab na some bread and drinks na  muna dahil napagod kami mag-beach. we literally explore siquijor in one day, dapat magpunta pa kami sa isang falls pero wala daw water sabi ni kuya. we decided to buy ingredients for our dinner sa market, magluluto sila ng sinigang na isda and ginataang isda. almost 6pm nang matapos kami sa lahat ng activity including pamamalengke, too bad naubusan ng lpg gas kaya past 8pm naka-lapang ng dinner pero keri lang masarap naman our food eh.

on our 3rd day we decided to catch the earliest ferry going back to dumaguete to do apo island. 6am yung unang alis ng ferry from siquijor to dumaguete. we stayed again sa grand pension hotel, we also decided to DIY nalang ang apo island since naubusan kami ng slot for apo island tour ng harrolds, sila yung no.1 na nag-aarange ng tour in dumaguete (hello! para naman kasing hinde sila marunong gumamit ng phine, been calling them pero no answer sa mobile, nung sumagot too late na at ubos na daw slot.) the tour na offer nila include everything na according to my research transfers, lunch, boat, etc. and it cost 1000php. pero since no slot na nga, DIY moment nalang we went to the ceres bus station going to malatapay kung saan yung enrty point for apo island. the bus ride cost 50php at parang mga 30mins ride lng, after that you have to register sa tourism office ng malatapay and rent a boat to apo island na roundtrip , for 4 person it will cost 2000php for 5person and above naman its 3000php. we met a solo american traveller kaya we split the bill in 6pax so 500 per head. 


then pagdating sa mismong island kailangan mo naman magbayad ng entrance na 100php each. we also occupied a cottage ay hinde table and chairs lng pala yun na 300php, pero nice naman sila ate kasi sila nadin nagbantay ng things namin. swimming time if you dont know how to swim you can rent a life vest for only 100php, snorkling gear is also 100php at madami pa sila pinaparent like scuba shoes and flipper. a tour guide is required kasi whis is 300php  at ang ratio dapat is 1 tour guide : 3 tourist, ofcourse they will guide you sa pag-find ng pawikan and also pag take ng pictures nyo with the pawikan. 

may konting briefing pala bago kayo palanguyin sa dagat. 




hoy Nemo, nakita mo ba si Dory?


there is a lot of variation ng corals.



ako talaga yan, si kuya sumingit eh. I need to take swimming lesson na talaga.


group picture. :)


its a one of kind experience kaya i-avail nyo din. we left the island mga 3:30pm then, by the way 30-45mins ang boat ride pala. we reached our hotel almost 6pm na yata. syempre last day na kaya sulitin na walwalan na. cheret lang! we decided to have our dinner and konting drinks sa hayahay view deck retaurant along roxas blvd. may pabanda sila that starts 10pm, diko sure if everyday yun or during weekends lang. :)

lumpiang bangus and onion rings. 


you have to try this dumaguete express ang sharap!!! we also got pancit bihon, garlic shrimp, inihaw na pork belly, sisig and fried fishball, I forgot to take pocs na sa sobrang gutom past 8pm na kasi yan dahil we have to wait for others pa na nagpa-massage. :)



oh thats luis, sya yung na-meet namin papunta ng apo island, bilang kilala tayo sa pagiging very friendly at hospitable. we invited him for dinner and some drinks at game na game naman si kuya. 


on our last day, we basically spend the time lang sa hotel at naghintay ng check-out then had lunch sponsored by the Africa dahil pre-bday ni Wrigley, and we stayed nalang sa Sansrival bistro habang naghihintay sa time ng flight namin.

brazo de mercedez.


sa main resto hinde complete ang cakes nila and pasalubong items. so kung gusto nyo ng complete items sa may likod kayo ng sansrival bistro magpunta. 



pesto lasagna, my 2 favorite pasta in 1. I have to make this ng version ko. napaka sarap eh!


happy bday Wrigley!!


the famous Sansrival of Sanrival bistro.


the complete cast. burp!


my OOTD. Ü


daghang salamat Dumaguete and Siquijor.

light and love,
@iamsupermichal